Bukod sa pagsulong sa karapatan ng mga kabataan, mararanasan din ng mga batang Pinoy sa Victoria ang pambihirang pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang, at higit sa lahat ang matutunan ang kulturang kanilang pinagmulan.
Key Points
- Ang Children’s Day ay bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Week sa Pilipinas na itinataon sa huling linggo ng buwan ng Enero
- Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Philippine Consulate General sa Melbourne at University of the Philippines Alumni Association Victoria
- Mga batang Pinoy sa Australia hinihikayat na umangkop sa kultura ng bansa at magkaroon ng komunikasyon sa mga magulang, para hindi makalimutan ang aral ng pinagmulan
Share




