Key Points
- Lumabas sa ulat ng dating Victorian Police Commissioner na si Christine Nixon ang mga malalang pang-aabuso sa migration system kabilang na ang sexual exploitation, human trafficking at organised crime.
- Bilang tugon sa ulat, ilang aksyon ang gagawin ng gobyerno gaya ng pagtatayo ng bagong dibisyon sa Kagawaran ng Home Affairs kung saan may dagdag na limampung milyong dolyar na dagdag pondo para mapaigting ang mga imbestigasyon.
- Hihigpitan din ng gobyerno ang regulasyon para sa mga migration agents na mahaharap sa mga bagong background at character checks.