Key Points
- Iginiit ng Migrant Workers Centre na laganap ang diskriminasyon sa mga manggagawang may hawak ng temporary visa.
- Lumabas din sa ulat na karaniwang nahaharap ang mga migrant worker sa diskrimasyon at pang-aabuso sa lugar ng trabaho.
- Nanawagan ang Migrant Workers Centre na baguhin ang discrimination law upang maging iligal ang diskriminasyon base sa visa na maihahalintulad sa diskriminasyon sa kasarian, relihiyon at iba pa.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa episode na ito ng 'Trabaho, Visa atbp.', ibinahagi ng Community Organiser ng Migrant Workers Centre na si Florence Dato ang bagong survey ng grupo na pinamagatang Insecure by design: Australia’s migration system and migrant workers’ job market experience kung saan lumabas ang nararanasang visa discrimination ng mga migranteng manggagawa na nasa temporary visa.

Florence Dato of Migrant Workers Centre