Key Points
- Naging kampeon ang mga Filipino Chef sa kategoryang BBQ, Cheese at Seafood .
- Mga Pinoy Chef inaming malaking impluwensya sa kanilang narating ang kanilang mga magulang.
- Filipino Chefs Association of Victoria may panawagan.
Ang World Food Championships Australia ay nagtatampok ng hanay ng mga kategorya kabilang ang BBQ, Seafood, Dessert, Burger, Cocktail, Cheese, at Vegetarian, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kalahok na ipakita ang kanilang mga kasanayan sa pagluluto at pagkamalikhain pati na rin ipakita ang kanilang mga kasanayan sa pinakamahuhusay na lutuin sa bahay ng Australia.
Ang kompetisyon ay kilala sa buong mundo para sa mga nagsisimula ng karera at pagbabago ng buhay.
Ginaganap ito sa Melbourne o Sydney para sa pagkakataong makapunta sa Dallas, Texas at matawag na World Champion.

Manila Chicken BBQ ang nagpapanalo kay Chef Princess Anne Uy sa kategoryang Barbecue at ito ang susi niya para lumaban sa America sa darating na Nobyembre.

Leche Flan Cheesecake naman ang pambato ng batang chef mula Antique sa Western Visayas na si Eloisa Nanini at siya ang tinanghal na kampeon sa kategoryang cheese sa patimpalak.

Itinuring naman ng Filipino-Singaporean Chinese na si Chef Lyn Richardson natupad ang kanyang pangarap bilang isang chef na mapatunayan na kaya niyang makipagsabayan sa maraming chef mula sa buong mundo. At ang kanyang espesyal na fish cake 'Otak Otak' ang itinanghal na kampeon sa kategoryang seafood.
Laking pasasalamat naman ang mga kampeon sa suportang ipinakita ng
Filipino Chefs Association of Victoria Inc sa kompetisyon.

Sa katunayan ginanap ang isang 5th Long Table na pinangunahan ng Filipino Chefs Association of Victoria Inc ng Business Mentor Alex Apawan Sy at Chef Rommel Cao sa Enelssie Cafe & Grill sa Melbourne.
Sa selebrasyon ibinidang muli ng tatlong kampeon na Chef ang mga panalong putahe at dessert.

Ayon sa dalawa, nagpapatunay lang ang tagumpay ng mga Pinoy sa larangan ng culinary dito sa Australia na tunay na magagaling ang mga ito at kayang makipagsabayan sa buong mundo.
Umaasa ang grupo na sana'y ito na ang simula ng pagkakaisa sa buong industriya hindi lang ng mga Pinoy Chef pati na ng mga nagmamay-ari ng restorant.





