Key Points
- Pinangunahan ng community group sa social media na Filipinos in Queensland ang petisyon na magkaroon ng konsulado na may full consular service sa estado.
- Isa ang serbisyo sa passport renewal ang pinakakailangan ayon sa nasabing petisyon.
- Sa kasalukuyan, umaasa lamang Filipino sa Queensland sa passport mission ng embahada ngunit limitado ang naseserbisyuhan nito habang ang iba naman ay kailangan bumyahe sa Melbourne, Sydney o Canberra.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng Founder ng Filipinos in Queensland Australia Facebook Group na si Rodolfo 'Jun' Licera, Jr. kung bakit mahalaga na magkaroon ng konsulado na may buong serbisyo sa estado at paano sinimulan ng grupo ang petisyon para dito.

SBS Filipino interviews Filipinos in Queensland Facebook group Founder Jun Licera