Mga reaksyon ng mga first timer na sumali sa Sydney Mardi Gras parade

Sydney Mardi Gras

First-time attendees to the Sydney Mardi Gras Parade: Jojo Sebastian, Mary Aborde, Rommel Olson and Elaine Mortel Source: SBS Filipino

Humigit-kumulang 10,000 katao ang nakipagsaya sa katatapos na Sydney Gay and Lesbian Mardi Gras Parade. At para sa 'first-timer' na lumahok sa parada na si Jojo Sebastian, isang pagkakataon ito para magpakatotoo at tanggapin ang kanyang sarili.


Highlights
  • Ang tema ng Mardi Gras sa taong ito ay 'United We Shine'.
  • First-time na sumama sa parada ng nurse, singer at host na si Jojo Sebastian.
  • Hindi ikinahihiya ni Jojo na malaman ng iba na siya'y cisgender.
Bagaman 11 taon nang naninirahan sa Sydney ang nurse, singer at host na si Jojo Sebastian, ito ang unang pagkakataon na siya'y sumali sa mismong parada.

"Ngayon lang ako nakasali sa parada kasi marami akong pinagdaanan noon," pahayag ni Jojo.

 

Pakinggan ang audio:







Pagtanggap sa sarili

"Hindi din naging madali para sa akin kasi alam naman natin na may ilang tao pa rin na hindi tanggap ang mga katulad ko. Pero mas kumportable na ako ngayon sa sarili ko. Tanggap ko na sa sarili ko kung sino ako," dagdag pa ni Jojo. 

"Wala akong pakialam kung malaman nila na gay ako."

"Halos walong taon na din akong kasal. Pero mas malinaw na sa akin ngayon kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Tanggap ko na ako ay isang cis man at cis man din ang hanap ko," paliwanag ni Jojo.
Sydney Mardi Gras
'I was never afraid for people to know that I am gay'. Source: SBS Filipino
Tulad ni Jojo, unang pagkakataon din na sa sumali parada ni Rommel Olson at masaya siya na maipakita ang suporta sa LGBTIQ+ community (lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex and queer).

"Gusto ko talagang ipaabot ang suporta ko sa LGBTIQ+ community, kaya ako sumali ngayong taon," ani Rommel.

"Iba ang pakiramdam ng mismong pagsama sa parada, mas nagiging malalim 'yung pakiramdam mo at pag-unawa na tunay na magkakaiba ang tao."

"Yung suporta na pwede nating maibigay sa komunidad LGBTIQ+ malaking bagay yun para sa tunay na pagkakapantay-pantay natin dito sa Australia," dagdag ni Rommel.
Sydney Mardi Gras
Filipino attendees to the 44th Sydney Mardi Gras parade. Source: SBS Filipino
Kasama din sa float ang iba pang first-timers na sina Mary Aborde at Elaine Mortel.

"First time ko sumali at sobrang saya pala dito. Napakaraming tao pala ang sumasali," sabi ni Elaine.

"Nakakatuwa na makakita ng makukulay na costumes," ani Mary.

Inirampa ng Filipino organisation na Flagcom & Friends ang kanilang naggagandahang Ati-Atihan costume para ipakita sa lahat ang sample ng magarbong pista sa Pilipinas.
Sydney Mardi Gras
Filipino representative to the Mardi Gras parade, Flagcom & Friends donned their Ati-Atihan inspired costumes at the parade. Source: SBS Filipino
Katulad ng nagdaang taon, sa Sydney Cricket Ground ginanap ang okasyon. Bagaman limitado ang mga taong pwedeng dumalo, natutuwa pa rin ang isa sa mga punong-abala na Filipino representative na makakasama na naman ang grupo sa parada.

“Masayang-masaya kami dahil nakasama kami sa paradang ito. Hindi lang mga Pilipino ang nakihalahok kundi kasama din natin ang ilang kaibigang South American, Persian, Chilean at Australian," ani Albie Prias.

"Pinagawa pa namin ang mga costume sa Pilipinas, kay Melody David, at tinulungan din kami ng master costume designer natin mula Sydney na si Rene Rivas."
Sydney Mardi Gras
Taking inspiration from one of the oldest festival in the Philippines, the Filipino LGBTIQ+ along with some South American and Australian friends strutted the parade with their Ati-Atihan costumes. Source: SBS Filipino
Ang tema sa makulay na selebrasyon ngayong taon ay “United We Shine”.

“Nagkakaisa ang komunidad sa mga ganitong event. Kahit na anong sexual orientation mo, ang sumasama dito sa parada ay hindi lamang gays at lesbians.

Kahit anong sexual orientation, paniniwala, relihiyon, o nasyonalidad, dapat tayong magkaisa para sa ikabubuti ng lahat," ani Albie Prias.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga reaksyon ng mga first timer na sumali sa Sydney Mardi Gras parade | SBS Filipino