Milyong Australian ang gumagamit ng buy now pay later scheme pero hanggang ngayon ang industriyang ito ay self-regulated lamanag.
Key Points
- Sa nakalipas na limang taon, aabot sa pitong milyong mamamayan ang kasalukuyang may account sa buy now pay later schemes na nagreresulta din sa malaking utang.
- Inanunsyo ng pederal na gobyerno na itatrato ang buy now pay later na parang credit products upang maiwasan ang pag-utang na hindi naman kayang bayaran.
- Sa 2022 report ng women's advocacy group na Good Shepherd, lumabas na ang pinakananganganib na malubog sa utang ang mga kabataan, single parent at mga kababaihan na tumatakas sa family at domestic violence.
Share




