Nitong buong linggo isinasagawa ang ika-12 National Skills Week. Target nito ang ilang larangan sa lakas-paggawa ng Australia na higit na nangangailangan ng skilled labor sa susunod na limang taon.
Key Points
- Ang sektor ng konstruksyon ay tinatayang mahaharap sa kakulangan ng 100,000 manggagawa sa susunod na taon lamang.
- Nasa 250,000 bagong manggagawa ang kakailanganin ng sektor ng kalusugan at childcare pagsapit ng taong 2025.
- Maging ang sektor ng IT ay nahihirapan din sa paghahanap ng mga kwalipikadong empleyado.
Nangyari ito habang humaharap ang gobyerno sa mga kahilingan na taasan ang limit sa skilled migration para tugunan ang patuloy na kakulangan sa lakas-paggawa.

Share




