Key Points
- Layunin ng nasabing pagsusuri ang mas mabigyang proteksiyon ang Australya sakaling magkaroon ng mga kaganapan tulad nito sa hinaharap.
- Sang ayon ang Optus sa mga ginagawa ng pamahalaan.
- Pangunahing pokus ang pag- access sa emergency services.
Sa pinakahuling ulat mula sa Australian Competition and Consumer Commission, napag alaman na may kakayahang pangteknolohiya ang emergency roaming. Magbibigay ito ng access sa mga Australyanong mag-konek sa ano mang available mobile network sa panahon ng sakuna o natural disasters at iba pang mga emergency. Ngunit kailangan pa ng mga karagdagang pagisiskap upang mabuo at madevelop ang kapasidad na ito.