Sa pinaka-huling pagsasaliksik, napag alaman na isa sa bawat apat na magulang ng mga sanggol na premature o may sakit ay nakaranas ng karagdagang pagkabalisa o anxiety dahil sa COVID-19
- Mahigit na 48,000 sanggol ang ipapanganak na premature ngayong 2020
- Ang mga magulang ng mga premature o may sakit na mga sanggol ay nasa mas malaking panganib ng post-natal depression
- Nitong nakaraang 15 taong ang Miracle Babies Foundation ay naghahatid ng suporta at tulong sa mga magulang at mag-anak ng mga premature at may sakit na mga sanggol
'tinanong ko ang doktor, saan o sino ang maari kong makausap na magulang ng premature na snaggol tulad ng anak ko?, sagot niya, wala' ani Melinda Cruz, founder ng Miracle Babies Foundation