Mobile consular mission sa Perth, isasagawa sa Agosto

Philippines Passport dual citizenship Filipino Australian, Filipinos in Canberra, Filipinos in Australia,  Philippine Emabssy

Philippine Embassy in Australiais planning another Consular misison in Brisbane before the year ends Source: iStockphoto

Magsasagawa ng mobile consular mission ang Embahada ng Pilipinas sa siyudad ng Perth sa ika 9 hanggang 13 ng Agosto.


Gaganapin ang mobile consular mission sa Perth para sa mga expired, extended o first time minor applicants.

Kabilang sa serbisyo na kanilang ibabahagi bukod sa passport renewal ay ang oath taking ng mga approved dual citizenship applicants at mga pagpaparehistro para sa overseas voting na magaganap sa susunod na taon.

Nilinaw ng embahada na noong nakaraang linggo pa nagbukas ang online appointment system at sa puntong ito ay puno na ang mga slots.


Highlights ng podcast

  • Magsasagawa ng mobile consular mission ang Embahada ng Pilipinas sa siyudad ng Perth sa ika 9 hanggang 13 ng Agosto

  • Tuloy-tuloy ang pangamba at pagiingat ng mga tiga-ACT dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa karatig estado nito na New South Wales

  • Sa huling tala, mayroon ng 102,736 vaccinations ang naipamahagi sa ACT at nasa 820 naman ang nagbalik ng negatibong resulta mula sa kanilang COVID-19 tests sa loob ng 24 oras


     

Para sa mga hindi nakaabot, bukas ang tanggapan ng Embahada sa Sydney, Melbourne at Canberra all year round para doon sa mga nagnanais magparenew ng passport. Kinakailangan lamang nilang magpabook ng appointment.

Para naman sa mga kababayang hindi makakapunta para sa nabanggit na tanggapan, maaring mag-email sa embahada at magrequest na i-extend ang kanilang passport availability.

Ang email address ay passport@philembassy.org.au


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand