May sampung taong bisa ang pasaporte na nasa ilalim ng batas habang limang taong bisa naman para sa mga edad labing walong taon pababa. Maaari namang limitahan ang bisa ng pasaporte sa mas mababa sa sampung taon kung nanganagailangan ng restriksyon ang pang-ekonomiyang interes at katatagan ng pulitika sa bansa.
Sinabi ng sekretarya ng Foreign affairs na si Peter Cayetano, walang pagtaas sa presyo ng pasaporte na may sampung taong bisa. Ito ay nagkakahalaga pa rin ng siyam na daan limampung piso.
Kaugnay nito nakapanayam ng SBS ang Honorary Consul ng Victoria na si Felix Pintado upang talakayin ang paparating na Mobile Consular Mission na pinangunahan ng Philippine embassy at gaganapin sa ika-labing lima hanggang ika-labing siyam ng Enero.
Ang mobile consular mission ay isang anwal na serbisyong hinahatid ng Philippine embassy ng Canberra kung saan umiikot sila sa iba't ibang kapital na siyudad ng Australya upang magbigay ng serbisyo tulad ng aplikasyon at pagpapalit ng pasaporte, dual citizenship oathtaking at rehistrasyon ng qualified Overseas Filipino Voter

An Australian citizenship recipient poses for a photo after a citizenship ceremony on Australia Day in Brisbane,Jan. 26, 2017. (AAP Image/Dan Peled) NOARCHIVING Source: AAP(Dan Peled) NOARCHIVING
Dagdag na Pintado, ang mga serbisyo ay para lamang sa mga may kumpirmadong puwesto sa embahada, ibig sabihin hindi sila tumatanggap ng walk in.
Ang anim na daan apat na puwesto na binuksan noong nakaraang taon ng Nobyembre ay napuno na.
Hinikayat din ni Pintado ang mga nakakuha ng pwesto na dumating ng maaga, dalhin ang mga kailangan ng embahada at magsuot ng angkop na damit sa araw ng misyon.

Filipinos living overseas wait in line to vote at a polling center in Dubai on April 12, 2010. (Photo credit should read KARIM SAHIB/AFP/Getty Images) Source: AFP
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang www.philembassy.org.au o www.philconsulate.com.au