Ayon sa government employment services consultant na si Sheena Reyes- Santos, ngayong papunta na sa COVID normal ay dapat pag-isipang mabuti ng mga naghahanap ng trabaho kung saang industriya talaga nila nais mamasukan.
Sinabi din niya na sa mga panahong ito, mas tinitingnan ng mga taga-empleyo ang soft skills ng mga nag-aapply.
"Employers are looking at the soft skills. They look at work ethics- doing the right thing at all times even if no one is watching. Adaptability o pagiging madiskarte. Also yung pagiging open sa feedback, pagkakaroon ng team player attitude and growth mindset. Ito ang hinahanap nila ngayon apart from the usual qualifications."
Aniya isa sa mabuting ugali na gusto ng mga taga-empleyo sa mga Pilipino ay ang pagiging masigasig nila pagdating sa trabaho.
"One thing the sets us[Filipino] apart is our enthusiasm."

Job seeker Source: Getty Images
Upang magabayan ang mga naghahanap ng trabaho, narito ang mga trabahong may mataas na demand sa mga panahong ito:
1. Industriya ng health services
"Ito yung mga nurses, nag-aalaga ng aged people o mga taong may disability. Naghahanap ang mga Australyano ng mga support workers," sabi ni Ms Santos.
2. Food production
Sinabi ni Ms Santos na marami din trabaho sa inudstriya ng food production.
"Farms are crying for people. They want people who can do harvesting, picking, planting, packing."
Aniya dahil unto-unti na ding bumubuti ang industriya ng hospitality, may mga trabaho din dito para sa mga hospitality students.
3. Driving jobs
Pagbahagi ni Ms Santos na maraming mga Pilipino sa Australya ang hindi nakakaalam na maari din silang pumasok bilang driver.
"You can use your Philippine licence but even better if you change it to your state license."
4. Customer service at call centre
Habang kilala ang mga Pinoy pagdating sa industriyang ito, mas maigi kung maipaliwanag ito ng maayos sa resume at pagbutihin din ang kakayahan sa komunikasyon.
"We are all known as customer service people and call centre agents. but we need to put it in paper and it entails improvement in our communication skills."
5. IT industry
Isa din sa lumalaking industriya ay ang information technology.
"Kahit na nagkaroon ng pandemic, isa itong industry that gets bigger and bigger."
PAKINGGAN/BASAHIN DIN
READ MORE

Mga payo sa paghahanap ng trabaho




