Mahigit isang siglo bago dumami ang mga migranteng Pilipino sa Australia, mayroon nang mga Pilipinong mandaragat at pearl diver na naging bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ngunit bakit tila nakalimutan ang kanilang kuwento? At paano sila naging bahagi rin ng pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas? Pakinggan ang panayam sa Macquarie University academic at lawyer na si Dr. Gil Tabucanon, na nagbahagi ng kanyang pananaliksik tungkol sa mga Manilamen
Key Points
- Ipinaliwanag ni Dr. Gil Tabucanon na maraming Pilipinong pearl diver ang nakabuo ng matibay na ugnayan sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples, kung saan ang ilan ay nag-asawa, nagtatag ng pamilya at nagkaroon ng mga inapo na naninirahan pa rin sa Australia hanggang ngayon.
- Sinabi ni Dr. Tabucanon na may mahalagang papel din ang ilang Manilamen sa Rebolusyong Pilipino. Ang ilan ay bumalik sa Pilipinas upang sumapi sa Katipunan, habang ang kanilang kinita sa Australia ay tumulong sa pagpopondo ng laban para sa kalayaan.
- Naniniwala si Dr. Tabucanon na ang pag-alam sa kasaysayan ng mga unang Pilipino sa Australia ay nakatutulong sa mga Filipino Australian na higit na maunawaan ang kanilang pinagmulan at maipagmalaki ang kanilang pamana.
- Inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa Canberra ang virtual na eksibisyong "Beyond Borders: Voices of Indigenous Australians of Filipino Descent." Tampok dito ang mga kuwento ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander people na may dugong Pilipino at ang kanilang natatanging pamana.
The first gatherers of pearls were Aboriginal people. When the shallow waters became depleted, divers had to go deeper. With the law prohibiting Aboriginal women from diving in deep waters, Filipinos came in. After the Galleon trade ended in 1815, many trained Filipino seafarers were looking for work. They were recruited in Singapore, which became the hub of shipping, and travelled to Australia through Thursday IslandDr Gil Marvel Tabucanon
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Share


