Mula Melbourne hanggang Manila: Alex Eala, balik sa Pilipinas para lumahok sa Philippine Women's Open

Filipino tennis star Alex Eala returns home from Melbourne to compete in the WTA 125 Philippine Women’s Open in Manila.

Filipino tennis star Alex Eala returns home from Melbourne to compete in the WTA 125 Philippine Women’s Open in Manila. Credit: Philippine Women's Open

Nakauwi na sa Pilipinas ang Filipino tennis star na si Alex Eala mula Melbourne upang lumahok sa WTA 125 Philippine Women’s Open sa Manila, na nagdudulot ng kasiyahan at malakas na suporta mula sa mga tagahanga sa buong bansa.


Key Points
  • Si Alex Eala, na kamakailan lang ay nag-debut sa Australian Open, ay nakatanggap ng WTA wildcard entry upang lumahok sa Philippine Women’s Open mula Enero 26 hanggang 31 sa Rizal Memorial Sports Complex, kung saan naghahanda ang mga organizers na mag-host ng higit sa 30 world-class na manlalaro.
  • Binibigyang-diin ng Philippine Sports Commission at Philippine Tennis Association na makakatulong ang pag-host ng WTA tournament sa pagpapaunlad ng tennis sa bansa at magiging inspirasyon para sa mga kabataang atleta at tagahanga ng tennis.
  • Bagama’t hindi nakapag-advance sa Australian Open, ang paglahok ni Eala ay nagdudulot ng nationwide excitement, at inaasahan ang malaking pagdagsa ng mga tagahanga upang suportahan siya sa Manila.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Shirley Escalante

Nasa Pilipinas ngayon ang Filipina tennis star na

si Alex Eala para lumahok sa Philippine Women's

Open sa Manila. Galing si Eala sa Melbourne kung

saan nasaksihan ang kanyang landmark debut sa

Australian Open at kung saan nakita ang umaapaw na

pagsuporta ng mga Pilipino sa Australia para kay

Eala Sa paglahok ni Eala sa Women's Tennis

Association na WTA Tournament sa Manila mula

January 26 hanggang January 31, inaasahan ng mas

matindi pang pag-suporta mula sa kanyang mga

kababayan. Ngayon pa lamang, excited na ang mga

Pilipino at pinag-uusapan nito matapos na bigyan

ng WTA si Eala ng wildcard entry. Naghahandaan na

rin ang mga organizers sa inaasahang pagdagsa ng

mga tennis fans at supporters ni Eala sa Rizal

Memorial Sports Complex kung saan gaganapin ang

mga laban. Isinasagawa ng mga final renovations

doon at nagpapatupad ng mga strict international

standards para sa pag-host sa mahigit 30

world-class tennis players. Kahit hindi

nag-advance si Eala sa kanyang laban sa Australian

Open, sinabi ni Philippine Sports Commission

Chairman Patrick Gregorio na karangalan para sa

Pilipinas na ihost ang tennis tournament ni Eala

Tiyak na magbe-benepisyuan niya ang mga tennis

fans sa pagdayo ni Eala sa Pilipinas at sa

pag-host sa WTA tournament. Sinabi naman ni

Philippine Tennis Association Secretary General

John Ray Tiangco na makakatulong sa long-term

development ng tenis sa Pilipinas ang pag-host ng

Manila sa WTA Tournament. Anya, magbibigay ito ng

inspirasyon sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa

mga tenis fans. Mula sa Pilipinas, para sa SBS

Filipino, ako si Shirley Escalante.

END OF TRANSCRIPT

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now