Mahigit tatlong dekada nang naglilingkod bilang nurse si Shirley Nield, na ang puso ay nakatuon sa pagbibigay ng kalinga at malasakit sa kapwa. Nagsimula ang kanyang propesyon sa Pilipinas, bago lumipat sa United Kingdom noong 1999, kung saan naglingkod ng 10 taon. Noong 2009, kasama ng kanyang pamilya, lumipat siya sa Australia at dito ipinagpatuloy ang kanyang dedikasyon sa propesyon.
Key Points
- Na-inspire sa mga kamag-anak na nurse, sariling desisyon ni Shirley Nield ang pumasok sa nursing dahil sa layunin nitong maglingkod at mag-alaga ng kapwa at pamilya.
- Sa mahigit 30 taon sa kanyang propesyon mula sa Pilipinas hanggang sa lumipat sa England at sa Australia, kinikilala si Shirley sa kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng kalinga at malasakit sa mga pasyente at sa mas malawak na komunidad.
- Kasalukuyang pangulo ng Gold Coast Filipino Cultural Ensemble, aktibo si Shirley Nield sa pagtulong sa kapwa at sa iba’t ibang inisyatiba na naglilingkod sa magkakaibang komunidad.
Sa 17 taon sa Queensland, nananatiling buhay ang misyon ng tubong-Ilocos Sur na pagkalinga—hindi lamang para sa kanyang mga pasyente sa ospital, kundi pati na rin sa komunidad. Para kay Shirley, ang pagiging nurse ay higit pa sa isang trabaho; ito ay patuloy na pagbibigay ng malasakit, pag-unawa, at tunay na kalinga sa kapwa.

Personal choice ko na maging isang nurse dahil marami siyang serbisyo na pwede maidulot sa ating pamilya at mga kababayan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila.Shirley Nield, Clinical nurse
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




