Highlights
- Mga pagkain mula sa mga probinsya, sabik na matikman tuwing Noche Buena
- Patuloy na ipinapakilala ng mga Pinoy chef ang Filipino cuisine sa Australia
- Ngayong pasko, tuloy ang salu-salo kahit malayo sa isa't isa
Hindi kumpleto ang salu-salo sa Pasko kung wala ang masasarap na pagkaing bida sa mesa ng mga Pilipino.
Bawat probinsya may pambato!
Kaya hatid ng mga Pinoy chef sa Australia ang mga natatanging putahe na tiyak namimiss ng marami.
Mula sa pamilyang mahilig magluto ang chef na si Omar Ramos. Lumaki sa pagkaing Ilokano at binitbit sa Australia ang sarap ng kanyang mga luto. Pinaka malaking impluwensya sa kanya ang mga pagkaing itinuro ng kanyang tatay tulad ng pinakbet, dinengdeng, bagnet, papaitan at iba pa!
"Sa lahat ng magkakapatid ako yung nasa luto. Naenjoy ko yung cooking at naenjoy ko yung mga conversation sa loob ng kitchen"
"Na-specialize ko na yung pinakbet at ginargaraan o dinuguan which is inimprovise ko. Imbes na laman loob ng baboy, I use bagnet. Ang Ilokanong dinuguan is tuyo so nag stick sya sa bagnet."
Balewala na kay Chef Omar ang haba ng proseso ng pagluluto ng bagnet dahil sulit naman sa dami ng putahe na pwedeng gawin dito.
"Very versatile ang bagnet in Ilocano cooking. I use it in kare-kare as well."
Tuwing Pasko naman, hindi pwedeng umabsent ang papaitan sa mesa ng kanilang pamilya. Dinadayo pa nila ang sangkap at karne na gagamitin mula sa marikina. Ang mainit na sabaw nito ang pumapawi sa ginaw ng gabi tuwing Noche Buena.
Panghimagas at meryenda naman ng buong bayan ng Ilocos ang patupat. Isang klase ng suman na ibinalot sa dahon ng niyog na may manamis-namis na katas ng tubo o sugar cane. Mula pagkabata, nakikita na nya itong ginagawa ng mga tao sa kanilang lugar na karaniwang ibinebenta sa labas ng simbahan.
Syempre, nariyan din ang tupig. Sa halip na puto bumbong at bibingka, ito ang bida sa kanilang simbang gabi.
Sa Visayas at Mindanao naman,
Tiyak na amoy pa lang, matatakam ka na sa ginamos at nilangang saging na paboritong meryenda ni chef Nico Madranca mula Lanao Del Norte.
"I'm Nataniel Madranca from Baroy, Lanao Del Norte sa Mindanao.
Sometimes yung lola ko gumagawa ng steamed na saging tapos sinasawsaw naming sa bagoong o ginamos, yan ang masarap! Tapos yung amoy, masisinghot mo na, nasa malayo ka pa."
Tiyak na tanggal naman ang amats ng mga nalasing sa Christmas party kapag inihain na nya ang mainit na sabaw ng balbacua!
"Kung pagkain lang din isa pa dito sa Mindano is what we call Balbacua na consist of beef tail,beef skin, beef leg.. Binebraise mo sya.
Nilalagyan ko sya ng ginger, garlic, lemon and chili, tapos nilalagyan ko rin ng tanglad o lemon grass. Then ilalagay ang beef skin sometimes beef tendon. It’s kinda exotic dish and very native to our place.
Yung balbacua hindi sya pulutan pero yan ang the best pampawala ang lasing. Pagmainit tapos maanghang yan ang the best."
Pagdating sa paghimagas, sikat sa kanila ang black and white na dessert na black sambo, ibos at sikwate.
"Yung black sambo naman is parang chocolate and cream gelatin na ile-layer mo tapos iprepare mo sya with vanilla ice cream. Sikwate is the tablea and hot chocolate and ibos is the sticky rice tapos lalagyan mo lang sya ng sugar."
Mula sa Balesin Island naging cook sa barko at nagpamalas ng galing sa pagluluto sa iba’t ibang restaurant dito sa Australia si chef Nico. Kaya ang mga pagkaing pinoy na tumatak sa kanya, ay kanyang ring ipinapatikim sa mga suking Australiano.
"They love it! The whole week I was making 8 batches and one batch is like 12 orders. It was really good"
Tubong Mindanao din ang chef at ngayon ay cookery class trainer na si chef Jhong Dela Torre. Para naman sa kanya, sinuglaw ang di makakalimutang putahe mula sa kanilang lugar sa Bukidnon.
"My name is Jumil, originally I’m from Bukidnon, Mindanao and I worked in Singapore then I went to Australia 4 years ago. We have a dish called sinuglaw which is a combination of sinugba o “grill”. So in Mindanao, Davao to Cagayan to Gen San, they have tuna, Sinuglaw is grilled tuna or sinugba and a kinilaw. It’s a mix of grilled pork and tuna ceviche."
Hindi man karaniwang natitikman sa mga restaurant dito sa Australia ang mga paboritong pagkain, sa bahay na lang daw nya ito niluluto kasama ang kanyang mga kaibigan.
Di rin papahuli si chef Jhong sa dessert. Ang kanya namang smash hit, ang biko with a twist.
"Mindanao is very rich in coconut as well, we have this dish called biko. It's a caramelized coconut milk with sugar and malagkit. Our variation is we put calamansi rind. The citrus will cut of the fattiness and richness of coconut milk and sugar which makes it perfect for the malagkit. "
Kwento ni Chef Omar, Nico, at Jhong bahagi ng kanilang pagkabata at ala-ala ng pamilya sa Pilipinas ang mga pagkaing niluluto nila tuwing pasko. Naging paraan din nila ito para ipakilala ng mga pagkaing Pilipino sa ibang lahi at sa buong mundo.
Ngayong Pasko, namimiss man ang mga mahal sa buhay, tila nakukumpleto naman ang Noche Buena kapag natitikman ang mga paboritong pagkain ng mula sa kanilang mga probinsya.