Nasa AFAM nga ba ang true love?

Aizel Villaremo

Aizel Villaremo is a nurse in Melbourn. Aizel and Jordan met on a dating app and has since decided to be in a relationship.

Sa episode na ito ng Love Down Under, tinalakay natin ang mga relasyon na binubuo ng magkaibang kultura at ang karaniwang paggamit ng salitang AFAM sa kultura ng mga Pilipino.


KEY POINTS
  • Ayon sa Tagalog.com ang ibig sabihin ng AFAM ay A Foreigner Assigned to Manila para sa mga nagtatrabaho sa Manila o A foreigner around Manila kapag turista. at Ito ay slang term na ginagamit para sa isang foreigener na turista o expat. Ito din ay terminong ginagamit sa mga Pilipinang may karelasyong dayuhan.
  • Nakapanayam ng SBS Filipino si Aizel Villaremo, isang nurse mula sa Melbourne at kanyang binahagi ang kwento ng kanyang relasyon sa isang Britong chef na kanyang nakilala sa isang online dating app.
  • Ayon kay Aizel, hindi siya na-iinsulto sa salitang "AFAM” subalit pinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga pananaw ng lipunan ukol sa ganitong mga relasyon.
Pahayag niya na hindi siya na-o-offend kapag sinasabing AFAM ang kanyang kasintahan ngunit mas nadidismaya siya sa pananaw ng mga tao tungkol dito.

“Hindi ako na-offend. Wala naman akong negative na iniisip about AFAM. Open minded ako. Medyo offended lang ako sa mentality ng mga tao towards sa AFAM at Pilipino. Pag may nakita tayong may jowang AFAM, sinasabi natin na may isang kababayan na naman tayong nakaahon sa kahirapan. Minsa nakaka disappoint.”

Aniya, hindi niya kailangan ng dayuhan upang magkaroon ng magandang buhay.

“Kami dalawa ni Jordan, British siya on a working visa. Whereas ako, I'm a permanent resident in the country. Hindi yun yung dahilan. Tayong mga Pilipino resilient tayo and we can do whatever we can para makaahon sa hirap kung doon man tayo nanggaling.”

Ang 'Love Down Under' ay isang podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pag-ibig, relasyon at mga kwentong pamilya.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Nasa AFAM nga ba ang true love? | SBS Filipino