Key Points
- Sa panayam ng SBS Filipino, sinabi ni Atty. Ace Tamayo na karaniwan anyang nakakaranas ng personal injury ay mga nasa hindi ligtas na lugar ng trabaho o may mga aksidente ng nagaganap, posible ding pinagtrabaho ka ng isang bagay na hindi ka natrain na nagresulta sa injury.
- Iginiit din ng abogado na nakadepende ang kaso sa sitwasyon, batas at proseso ng bawat estado.
- Naaksidente kamakailan ang tradie na si Ronald Leander pero tinulungan agad siya ng kanyang employer at may napagkasunduan.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.

Sa gitna ng pag-iingat, nakaranas pa din ang aksidente sa trabaho ang Full-time Carpenter mula Sydney na si Ronald Leander pero nakatulong na may alam siya kahit papaano sa kanyang karapatan bilang manggagawa.
Ikinwento ni Ronald ang karanasan sa SBS Filipino at ano ang napagkasunduan nila ng kanyang employer.

Sa hiwalay na panayam, ipinaliwanag ni Atty. Ace Tamayo ng Littles Lawyer kung ano ang Personal Injury Claim, ano ang maikukunsiderang physical injury at proseso sa pagkuha ng compensation claim.

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado.




