
How to listen to this podcast Source: SBS
Matagal na nag-work-from-home ang Arkitekto at Art Director sa Melbourne na si Joe Parayno at hindi pa siya komportableng tuluyang bumalik sa lugar ng trabaho dahil sa panganib pa rin ng COVID-19, trapiko at gastos.
Highlights
- Ayon kay Florence Dato, OHS Covid Safe Workplace Project Organiser ng Victorian Trades Hall, may obligasyon ang mga employer sa ilalim ng Occupational Health and Safety Act na magbigay ng ligtas na trabaho sa abot ng kanilang makakaya.
- Payo ni Florence sa mga empleyado naman na ayaw pang bumalik sa lugar ng trabaho ay kumonsulta sa kanilang health and safety representative o di kaya ay sa unyon upang mapagusapan ang mga posibilidad gaya ng flexible working arrangement.
- Giit ng grupo na ang kumpletong bakuna kasama ng physical distancing, pagsusuot ng masks sa ibang mga work settings, maayos na bentilasyon at iba pang mga infection prevention controls ay ang pinaka epektibong mga pamamaraan para makasiguro tayo na ating mga lugar ng trabaho ay ligtas sa Covid.