Key Points
- Ayon kay Atty. Ace Tamayo ng Littles Lawyer na bukod sa mga sinasabing personal injury sakaling ma-aksidente sa lugar ng trabaho, maituturing na personal injury ang psychological injury kung saan maari ka ding makahingi ng kompensasyon sakaling mapatunayan.
- Hinihikayat naman ni Florence Dato na Community Organiser sa Migrant Workers Centre na huwag mahiya na magsalita o magsumbong sakaling nakakaranas ang isang indibidwal ng mental health issue sa lugar ng trabaho.
- May mga health professional ani Florence na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga migrante kahit walang Medicare gaya ng Partners in Wellbeing at CoHealth.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.

How to listen to this podcast Source: SBS
Ipinaliwanag din nito ang proseso kung sakaling nais mag-file ng personal injury claim.

Personal Injury Claim Lawyer Ace Tamayo
May bago din anyang mungkahi sa Victoria na baguhin ang depinisyon ng psychosocial hazards na isama ang mga aspeto ng sistema ng trabaho, disenyo ng trabaho at kung paano ito ginagawa, maging ang mga interaksyon na personal o professional.

Community Organiser Florence Dato of Migrant Workers Centre