'Namamasko po': Pagsasabuhay ng karoling

Connect City Church in Melbourne will stage “Carols by Connect” for nearby communities in the Northern suburb.

Connect City Church in Melbourne will stage “Carols by Connect” for nearby communities in the Northern suburb. Source: Connect City Church

Inspirasyon ang tradisyon ng pangangaroling, binuo ng mga Kristyanong boluntaryo ang isang Christmas carols show bilang paraan ng pagtulong sa komunidad.


Naalala pa ni Buddy Abadilla ang kanyang unang karanasan ng pangangaroling sa Pilipinas.

"Nung high school ako na-gi-gitara na ako. Bago mag-Pasko may mga kaibigan ako sa project 3. Nagba-bahay kami. Bibigyan kami ng piso, singkwenta sentimos, masaya na kami nun," pagbahagi niya.

Para sa iba, mahalaga ang pagtanggap ng aguinaldo . Para sa iba naman, ito ay tungkol sa masayang karanasan ng pagpunta sa iba't-ibang bahay, pag-awit ng mga Krismas songs kasama ang mga kaibigan gamit ang mga tansan o lata. Pero para sa mag-asawang si Buddy at Tess Abadilla, ito ay tungkol sa paghahatid ng ilaw at pag-asa sa pamamagitan ng karols.

Mahigit tatlumpung taon ng migrante sa Australya ang mga Abadilla, bagaman mas madalas nilang ipinagdidiwang ang Pasko dito sa Australya, para sa kanila, walang makakatalo sa Paskong Pinoy.

"Para sa akin napaka-importante ng Christmas. Normally pag ber months Pasko na which is different from dito sa Australia. So yung excitement nabui-build up for several months before the actual Christmas day," pagbahagi ni Mrs. Abadilla.
Mr and Mrs Abadilla have been migrants in Australia for more than 30 years now, and although they have spent most of their Christmas in the place they now call home, for them, nothing beats Christmas in the Philippines.
Mr and Mrs Abadilla have been migrants in Australia for more than 30 years now. Source: Connect City Church

'Namamasko po!'

Ang pangangaroling ay isang tradisyon sa Pilipinas kung saan ang mga bata o kahit matatanda ay nagbabahay-bahay upang kantahan ang mga may-ari ng bahay ng mga awiting Pamasko. Kapalit nito ay bibigyan sila ng pera o pagkain ng may-ari.

Inspirasyon ang tradisyon ng pangangaroling, binuo ng mga Kristyanong boluntaryo ang isang Christmas carols show bilang paraan ng pagtulong sa komunidad.

At habang nais nilang buhayin ang tradisyon sa pamamagitan ng palabas, sinabi din ni Mrs Abadilla na ito din ay paraan ng pag-abot sa mga taong nalulungkot ngayong Pasko.

“Some people are sad and feeling hopeless this Christmas. As a church, this is our way of bringing hope and joy to the community."
The members and volunteers of the organisation have lined up different activities and performances free to enjoy by the multicultural community.
The members and volunteers of the organisation have lined up different activities and performances free to enjoy by the multicultural community. Source: Connect City Church/SBS Filipino
Sinabi din ni Mrs. Abadilla na ang mga miyembro at boluntaryo ng organisasyon ay naglinya ng iba't-ibang aktibidad at palabas na libre para sa multikutural na komunidad. Kaya, hinimok niya ang mga tao na pumunta kasama ang buong pamilya.

"There will be face painting, carnival games and photo booth for the kids at 4:00 PM. Christmas carols, nativity play and performances at 5:30 PM on the 15th of December, Sunday. The best part is we also have food to share for everyone," paliwanag ng mag-asawa.

At habang ang Pasko ang pinakamagandang panahon upang magtipon at magpalitan ng regalo kasama ang pamilya at mga kaibigan, hinikayat niya ang komunidad na alalahanin ang tunay na dahilan ng panahon.

BASAHIN DIN



 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand