Key Points
- Ayon sa Specialist GP na si Dr. Angelica Logarta-Scott, ang regular na pag-eehersisyo at tamang pagkain ay nakatutulong upang mapababa ang panganib ng mga sakit tulad ng sakit sa puso at stroke, type 2 diabetes, at chronic kidney disease—ang tatlong pangunahing banta sa kalusugan ng mga Pilipino sa Australia.
- Para naman kay running enthusiast Washington Firmeza, ilan sa mga pangunahing benepisyo ng pagtakbo at brisk walking ang pag-iwas sa sakit sa puso, pagpapababa ng stress level, pag-iwas sa high blood pressure at diabetes, pagpapatibay ng mga buto, pagpapanatili ng tamang timbang, at higit sa lahat, pagpapabuti ng kalusugan ng pag-iisip o mental health. Ang Park Run ay libre at halos 500 Park Run locations sa buong Australia.
- Payo naman ng fitness coach na si Mark Banta, mahalagang magsimula agad at planuhin ang workout—sa bahay man o sa commercial gym. Dagdag niya, gawing simple ang mga galaw upang madaling maipagpatuloy at maging consistent, at dahan-dahang yakapin ang mas healthy na diyeta hanggang sa makamit ang target. Sabi ng Zumba enthusiast at Certified Retro Dance Instructor na si Janet McKelvie, malaking tulong ang Zumba sa pagbaba ng kanyang timbang at dahilan kung bakit wala siyang iniinom na maintenance medication sa edad na nasa kanyang 50s.
RELATED CONTENT

Healthy Pinoy
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.














