Key Points
- Ayon kay Dr. Angelica Logarta-Scott, ang vaginal yeast infection o vaginal thrush ay isang impeksyon sa puwerta o vulva na dulot ng fungus na tinatawag na candida, at hindi ito itinuturing na sexually transmitted infection.
- Ang mga sintomas ng impeksyon ay matinding pangangati, hapdi o burning sensation, pananakit habang nakikipagtalik o umiihi, at makapal na puting discharge sa puwerta o vulva.
- Ang mga kalalakihan ay maaari ding magkaroon ng impeksyon, maaring mahawa ng partner at mataas ang risk kapag hindi natuli, umiinom ng antibiotics at may diabetes.
- Maaaring magkaroon ng vaginal thrush ang kababaihan sa anumang edad, ngunit mas karaniwan ito sa mga edad 15 hanggang 50. Bihira naman ito sa mga batang hindi pa nireregla at sa mga babaeng nasa menopause na.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.
Ang yeast infection o thrush ay common, nangyayari ito kapag nasisira ang natural na balanse sa vagina, kaya dumadami ang Candida fungus, kadalasan dahil sa antibiotics, pagbabago ng hormones, diabetes, o weak ang resistensya.Dr Angelica Logarta-Scott, Specialist GP, Sydney
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.











