Pakinggan ang audio
Pinakamagandang regalo na natanggap ng mag-asawang Blessa at Joe De Maria mula Sydney ang biyayaan sila ng anak.
Pinangalanan nila itong Gabriel Michael at dahil nag-iisa binibigay nila ang lahat para maipadama ang kanilang pagmamahal sa nag-iisa nilang anak na mag-iisang taong gulang ngayong Agosto.
Maliban sa pagiging hands-on sa pag-aalaga sa anak, bumuli sila ng mga gamit na makakatulong maging ligtas at maayos ang paglaki nito.
Highlights
- Sa Australia wala pang isinagawang testing at inilabas na pamantayan sa paggamit ng weighted blanket, sleeping bags o sleepsacks sa mga sanggol at bata.
- Ilang bata namatay sa bansang Canada at America dahil sa paggamit ng weighted baby blanket o sleepsacks/sleeping bags
- Ikinababahala ng mga eksperto ang paggamit ng weighted blanket, sleepsacks o sleeping bags sa mga bata dahil posibleng maapektuhan ang kanilang paghinga o daluyan ng hangin habang natutulog

Blessa De Maria admits as a first-time mum, she bought plenty of gadgets and products to lessen her anxiety in making sure her son is safe and have a good rest. Source: Blessa De Maria
Dahil sa napag-alamang delikado ang paglalagay ng kumot sa bata, pinili nitong bumili ng sleepsack o sleeping bag, lalo na ngayong panahon ng taglamig.
"Ang alam ko mas safe sya gamitin kaysa kumot at dahil habang natutulog ang bata parang niyayakap sila kaya mas mahaba ang kanilang tulog, yon ang experience ko ."
Ngunit may karanasan ang inang si Blessa na hindi makalimutan, dahil muntik ng malagay sa panganib ang anak.
"I bought a 1.5 TOG at 2.5 TOG na sleeping ba, kaso winter kaya first time ginamit ko ang 2.5 dahil mas makapal. Tapos madaling araw na umiyak si baby, nag overheat pala ang baby dahil sa sleeping bag na suot.
Buti na lang pagmadaling araw tinatabi ko na sya dahil nag-breastfeeding ako kaya mula noon hindi na ako gumamit ng 2.5 TOG na sleeping bag dahil nakakatakot."
Ang weighted sleepsacks o kilala din na baby sleeping bag ay isang produkto para sa mga sanggol at lumalaking bata na nangangakong magiging maayos at mahimbing ang tulog ng mga ito.
Konsepto kasi nito ay katulad sa weighted blanket na gamit ng mga matatanda.
Kaya naman hindi na mapipigilan ang pagdami ng advertisements sa mga social media, target ang mga magulang.
Subalit ayon kay Red Nose chief executive Karen Ludski, sa nalalapit na paggunita ng Red Nose Day ngayong ika-12 ng Agosto gusto nitong bigyan ng babala ang mga magulang na kapag ginamit ang weighted sleepsack o baby sleeping bag sa mga sanggol o maliliit na bata may potensyal na malagay sa panganib ang buhay ng nito.
"Marami na ngayong ang nagsusulputan na mga bentang weighted blankets at sleepsacks para sa mga bata at nakakabahala ito dahil ang mga sanggol ay maliit at nakakabahala dahil nako-kompres ang dibdib nila sa mga produktong ito at mapanganib yon para sa kanila dahil posibleng apektado ang paghinga."
Dagdag nito hindi lang mga magulang, dagsa din ang tawag sa kanilang tanggapan mula sa mga health professionals, childcare educators, maternal at child health nurses, pati private business owners ukol sa patalastas o ads na ipinalabas tungkol sa sleeping bags sa mga bata o sanggol.
"Target ng mga patalastas o ads ang mga magulang, dahil sanggol hirap silang matulog kaya ang produkto nila mabenta dahil sinasabi dito magiging maayos ang pagtulog ng mga bata gamit ang weighted blanket at sleepsacks."
Ang panganib na dala ng produktong ito ay hindi alam ni Blessa kaya ngayong magiging mas maingat sa paggamit ng baby sleeping bag sa kanyang anak.

Blessa with husband Joe and baby Gab De Maria Source: Blessa De Maria
"After what happened, sinusuri ko muna ang temperature sa labas bago gumamit ng sleeping bag para masegurong safe si baby at ginagamit ko ang mas manipis na hindi na yong sobrang kapal, mas careful na ako."
Sa pahayag ni Professor Alicia Spittle na isang Associate Dean ng research sa faculty ng Medicine, Dentistry at Health Sciences sa University of Melbourne, para sa mga malalaking tao o bata ang sleepsacks, o sleeping bag o tinatawag na weighted blanket ay nagdudulot ng komportable o pakiramdam na parang niyayakap.
Pero para sa mga sanggol o baby maraming paraan para mabigyan sila ng mas komportable at ligtas na ganitong pakiramdam maliban sa paggamit ng mga produktong ito.
"Ang Weighted blankets ay popular na ginagamit para sa mga batang may Attention Deficit Hyper Activity Disorder (ADHD) pati na din sa matatanda para sa comfort o seguridad nila.
Subalit kapag ginagamitan sila ng produktong ito dapat alam ng carer na dapat nakakapagsalit ang ito kung tama, mabigat o makapal ito para sa kanila dahil kung hindi mapanganib ito, lalo na sa mga sanggol hindi kasi sila nakakapagsalita."
Ayon sa pahayag ng Australian Competition and Consumer Commission o A triple C:
"Ang ACCC ay nagbibigay ng impormasyon para sa mga magulang at carers tungkol sa paggamit ng best practices para ligtas ang mga bata at sa mga produktong hindi ligtas ang mga ito.
Mgalalabas kami ng online resources para sa mga magulang kung paano maging ligtas ang mga bata sa lahat ng pagkakataon. Pero ang mas ligtas na paraan sa pagpapatulog sa bata ay nakahiga ng patihaya, walang unan o kumot o kahit anong gamit malapit sa bata."
Samantala dagdag ni Ms Ludski ang Red Nose ay naglabas ng mga impormasyon sa pamamagitan ng kanilang website, kung saan tumutugon sa panganib na nauugnay sa weighted blankets at sleepsacks.
At nagsusumikap silang isalin ang kanilang mga serbisyo sa iba pang lengwahe, para na din sa kapakanan ng lahat na nahihirarapang umintindi at makabasa ng maayos ng wikang Ingles.
"Ang ibang resources ay nakasalin na sa ibang wika, at ito ang proyekto ng Red Nose para mas madaling maintindihan ng mga magulang at carers para sa kaligtasan ng lahat lalo na sa mga bata."
Bagama’t walang naitalang namatay sa paggamit ng weighted blankets dito sa Australia, may mga pagkakataon namang may nangyari sa US at Canada.
Kaya nagbabala na si Red Nose chief executive Karen Ludski , ayaw nyang umaksyon kapag huli na ang lahat , kaya mahalaga para sa mga awtoridad na maging pro-active sa usaping ito.
"Napag-alaman natin na may mga namatay na mga bata sa ibang bansa dahil sa weighted blanket [kumot] o sleeping bags. Subalit dito sa Australia wala pang masusing pag-aaral at testing ang ginawa at wala pang nailabas na batayan o standards ukol sa mga produktong ito.
Prioridad natin ngayon ang kaligtasan ng mga bata at kahit sino walang magulang na gumamit ng mga produkto para sa kanilang anak na wala pang testing na ginawa kung ligtas ba itong gamitin."