Highlights
- Sa Australia, apektado ng kanser sa ovary ang aabot sa 1500 na kababaihan kada taon at ito din ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng mga gynecologic cancer sa buong mundo.
- Umaasa ang mga doktor at survivor ng sakit na mapabuti ang kamalayan ukol sa kanser.
- Inaprubahan ng TGA Australia ang gamot na Zejula o niraparib na iniinom pagkatapos ng chemotherapy.
Kadalasan ay walang malinaw na senyales ang kanser sa ovary at huli na kung malaman ng mga kababaihan na mayroon sila nito.
Umaasa ang mga doktor at survivor ng sakit na mapabuti ang kamalayan ukol sa kanser at hinihimok din nila ang mga pasyente na ipagpatuloy ang mga pagpapasubok kahit nasa gitna ng COVID-19 pandemic.
Makinig sa podcast
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.