Mga balita mula Mindanao ika-10 ng Enero

Source: SBS News
Inaresto ng pulis ang diumanoy miyembro ng grupong abu sayyaf na natagpuang nagtataglay ng mga ekspolibo sa isang pension house sa siyudad ng Zamboanga lunes ng gabi. Pag-utos ni Presidente Rodrigo Duterte ng pagtigil ng mga operasyon ng pagto-troso sa bundok ng Zamboanga Del Norte sa kalagayan ng nangyaring baha at mga landslides sa lugar. Pagtatakda ng konsehal ng Davao City na si konsehal Bernard Al-ag na gawin ang panunumpa bilang bagong bise mayor sa pagpapalit nito sa anak ng presidente na si Paolo Duterte. Pag aresto ng mga pulis noong Martes sa dating miyembro ng University of Science and Technology sa Southern Philippines sa Cagayan De Oro City na kinilala bilang isa sa mga "persons of interest" sa pagpatay sa presidente ng unibersidad noong Disyembre. Halos dalawang daang libong deboto nagtipon sa mga daan ng siyudad ng Cagayan De Oro, Martes ng madaling araw para sa anwal na "translacion" ng the Black Nazarene.
Share



