Ang mga Muslim o mananampalataya ng Islam ay kumakain ng Halal food, ito ay nilinis at dumaan sa proseso ayon sa Islamic o Shariah law. At ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa isang cafe na naghahain ng Halal food ay gumawa din ng Halal Pinoy version na mga pagkain tulad ng turon at ang Pinoy brunch board.
Key Points
- Naghahain ng mga pagkaing nilinis at dumaan sa proseso ayon sa Islamic o Shariah Law o Halal food ang head chef na si John Michael Pajarillo, katuwang ang Pinoy manager ng café ng Legacy Camberwell na si Paul Matthew Iradiel.
- Maliban sa karaniwang Halal Australian breakfast, naghahain din sila sa pagkaing tatak Filipino at tinawag itong Pinoy brunch board tuwing weekends, nariyan din ang beef bacon at ang Halal version ng Pinoy panghimagas na ‘Turon’.
- Ang Islam ay ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa Australia, sa census 2021 umabot sa higit 800,000 ang kabuuang bilang ng mga taong nagpapakilalang Muslim o 3.2% ng kabuuang populasyon ng bansa.



Share





