Isa sa 6 na kababaihan sa Australya ay naabuso bago pa man umabot ng 15 taong gulang: AIHW

Cynthia Huynh was physically abused as a child Source: SBS
Sa Australya, isa sa bawat anim na kababaihan at isa sa bawat siyam na kalalakihan ang nakaranas ng pisikal o sekswal na pang aabuso bago pa man umabot ng 15 taong gulang. Ito ang ilan sa mga napag-alaman mula sa Family, domestic and sexual violence in Australia 2019 report, na binuo ng Australian Institute of Health and Welfare. Ito din ay nagbigay-linaw sa mga datos kaugnay ng karahasan sa loob ng tahanan, mula sa mag-anak o maging sa pang-aabusong sekswal.
Share

