Determinadong gumawa ng positibong pagbabago sa komunidad sa kanyang sariling maliliit na gawain at naniniwala na sa simpleng ideya maaaring makagawa ng malaking epekto sa sa komunidad.
Sa ating segmentong Galing ng Pinoy-Aussie, kilalanin ang tumanggap ng 2014 Minister for Young Territorians Excellence in Youth Leadership Awards, dating myembro ng Chief Minister's Round table of Young Territorians at State Finalist para sa 2015 Young Australian Award, na si Alpha Capaque.
Ibinahagi rin niya ang ilang proyekto na kanyang pinangungunahan kasama na ang laban sa bawal na gamot, alkohol at karahasan.