Key Points
- Aabot na sa 400,000 ang mga migranteng Pinoy sa Australia at base sa tala mahigit 60% ay mga Australian citizen na.
- Patuloy ang hikayat ng Embahada at Konsulado ng Pilipinas sa Australia na kumuha ng dual citizenship para maging bahagi ng pagtataguyod ng bansa.
- Para sa mga taga-Victoria, South Australia at Tasmania, maaring isumite ang aplikasyon sa Konsulado sa Melbourne.
- Sa mga taga-New South Wales, sa Konsulado sa Sydney habang sa nalalabing mga estado at teritoryo ay sa Embahada sa Canberra naman.