Paano maging ligtas sa panahon ng lindol?

Earthquake hits Victoria

File photo: Staff at the British Geological Survey, in Edinburgh look at graph showing the earthquake which occurred in North East Lincolnshire Feb 27, 2008 in Scotland. Source: Getty / Getty Images Europe

Niyanig ng 3.8 magnitude ang Melbourne nitong ika-28 ng Mayo, 2023. Narito ang mga dapat gawin para maging ligtas sa lindol.


Key Points
  • Ilang libong katao ang tumawag gabi ng Mayo a-28 sa Geoscience Australia upang iulat ang naging lindol sa Melbourne.
  • Wala namang naitalang nasaktan o napinsala sa naganap na 3.8 magnitude na lindol.
  • Ang pinakamalaking naitalang lindol sa Australia ay noong 1988 sa Tennant Creek sa Northern Territory, na may tinatayang lakas na 6.6.
Naitala ng Victoria State Emergency Service ang 3.8 magnitude na lindol sa Melbourne ganap na 11:41 ng gabi ika-28 ng Mayo, 2023.

Wala namang naiulat na pinsala o mga nasaktan.

Ayon sa Geoscience Australia, kada taon, aabot sa 100 ang lindol na may magnitude 3 o mahigit pa ang naitatala sa Australia.
Narito ang mga tips para maging ligtas sa panahon ng lindol.

Kung ikaw ay nasa loob ng bahay

Ayon sa website ng Victoria State Emergency Service, kung ikaw ay nasa loob ng bahay kapag may lindol:
  • Bumaba ka sa sahig; magtago sa ilalim ng matibay na lamesa o ibang bahagi ng gamit sa bahay, at humawak hanggang huminto ang pagyanig. Kung walang lamesa malapit sa iyo, takpan ang iyong mukha at ulo gamit ang iyong mga braso at tumabi sa isang sulok sa loob ng gusali.
  • Lumayo sa salamin, mga bintana, labas na mga pinto at mga dingding, at anumang maaaring bumagsak tulad ng mga ilaw o gamit sa bahay.
  • Kung nasa kama ka kapag nagkaroon ng lindol, manatili sa kama. Humawak at protektahan ang iyong ulo gamit ang unan, maliban na lang kung nasa ilalim ka ng mabigat na ilaw na maaaring bumagsak. Sa ganitong kaso, lumipat ka sa pinakamalapit na ligtas na lugar.
  • Huwag gumamit ng pintuan maliban kung alam mong ito ay isang malakas at sinusuportahang pintuan na malapit sa iyo. Maraming pinto sa loob ng bahay ang gawa sa magaan na materyal at hindi nagbibigay ng proteksyon.
  • Manatili sa loob hanggang huminto ang pagyanig at ligtas na lumabas. Huwag lumabas ng gusali habang naglilindol.
  • Huwag gumamit ng elevator.
Lumabas sa research na karamihan sa mga pinsala ay nagaganap kapag ang mga tao sa loob ng mga gusali ay nagtangkang lumipat sa ibang lugar sa loob ng gusali o subukan na umalis.
Victoria State Emergency Service
Kung ikaw ay nasa labas

Ayon sa website ng Victoria State Emergency Service, kung ikaw ay nasa labas kapag may lindol, siguraduhin mong sundin ang mga sumusunod:
  • Lumayo sa mga gusali, mga poste ng ilaw sa kalye, at mga kable ng utility.
  • Kapag nasa labas na, manatili na sa labas hanggang huminto ang pagyanig.
  • Ang pinakamalaking panganib ay naroroon mismo sa labas ng mga gusali, sa mga exit, at sa tabi ng mga pader sa labas.
car driving
Credit: Taras Makarenko/Pexels
Kung ikaw ay nagmamaneho

Ayon sa website ng Victoria State Emergency Service, kung ikaw ay nasa sasakyan kapag may lindol:
  • Kung ligtas, huminto agad at manatili sa loob ng sasakyan.
  • Iwasan ang paghinto malapit sa o ilalim ng mga gusali, mga puno, tulay, at mga kable ng utility.
  • Mag-ingat sa pagpapatuloy pagkatapos huminto ang lindol. Iwasan ang mga daan, tulay, o ramps na maaaring nasira dahil sa lindol.
Chappel Street Melbourne, Wednesday, September 22, 2021
Chappel Street Melbourne, Wednesday, September 22, 2021. An earthquake has been reported in Victoria and tremors were felt as far away as Canberra and Sydney. Source: AAP / AAP/James Ross
Kung ikaw ay na-trap sa ilalim ng mga debris matapos ang lindol:
  • Huwag magliyab ng posporo.
  • Huwag gumalaw o magpakalat ng alikabok.
  • Takpan ang iyong bibig gamit ang panyo o damit.
  • Gumawa ng ingay gaya ng pagtapik sa isang tubo o dingding upang marinig ng mga tagapagligtas. Gamitin ang isang silbato kung mayroon.
  • Sumigaw lamang kung talagang wala ng opsyon. Mag-ingat na makalanghap ng alikabok kung sisigaw.
Tawagan ang SES sa numerong 132 500 sakaling kailanganin ng tulong at alamin ang mas marami pang impormasyon sa link na ito.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand