Paano naapektuhan ng lockdown ang mga Filipino international students sa Victoria?

FILIPINO AUSTRALIAN STUDENT COUNCIL IN VICTORIA BRACES FOR TOUGHER LOCKDOWN MEASURES

FASTCO Victoria Executive Committee during an online meeting Source: FASTCO Victoria

Nangangamba ang samahan ng mga International students sa malaking epekto ng lockdown sa pamumuhay at mental health ng mga estudyante.


Kauupo pa lang sa pwesto bilang Chairman ng Filipino-Australian Student Council of Victoria ni Dennis Sumaylo noong ika-2 ng Agosto. Kinabukasan, hinaharap na niya ang pinaka mahigpit na Coronavirus restrictions sa Metro Melbourne. 

"Isang pasabog sa amin ito as executive commitee. When we decided to work s the executive committee of FASTCO alam namin na may pandemic kami na haharapin pero hindi namin inakala na biglaan yung level 4"

FASTCO Victoria Chairman Dennis Sumaylo
Source: Dennis Sumaylo
Kasado naman ang plano ng FASTCO para tumulong sa mga international students na apektado ng pandemya. Pero aminado si Dennis na ikinagulat ng kanilang samahan ang magkakasunod na anunsyo tungkol sa curfew at lockdown.

Base sa pahayag ni Victorian Premier Daniel Andrews noong Linggo, magkakaroon ng curfew simula 8pm-5am. Limitado na rin oras at distansya ng paglabas ng bahay at pag eehersisyo sa limang kilometro. Isinara ang ilang negosyo habang ang iba ay binawasan ang produksyon.

Ang mga estudyante sa lahat ng antas ay inabisuhang manatili sa bahay at sumailalim sa remote learning. Nakakapag-adjust naman ang marami sa bagong sistema pero may mga kurso na nanganngailangan pa rin ng aktuwal na pagtuturo o di kaya ay access sa mga pasilidad tulad ng laboratories at library. 

"Gusto namin makatulong sa adjustment ng members in this new normal. Kasama na dito yung webinars or online trainings at tools na magagamit nila sa ganitong learning."

Bukod sa pag-aaral, pinangangambahan din ngayon ng grupo ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng mawawalan ng trabaho. Ang stress at pagkabalisa na dulot ng lockdown ay nakaka-apekto sa kanilang mental health.

Dahil sa bigat ng pinagdadaanan ng maraming Filipino international students na walang nakukuhang pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan, tanging ang mga Pinoy communities na tulad ng FASTCO ang kanilang nasasandalan.

"Hindi biro yung nasa ibang bansa ka, nag-aaral ka pa minsan nagtatrabaho ka, may pandemya pa tapos iniisip mo rin yung pamilya mo sa pilipinas dahil magulo din ang sitwasyon doon. Kelangan meron kang constant communication with others, may kukustahang nangyayari."

Isang E-Kumustahan ang gagawin ng grupo para sa lahat ng mga estudyanteng miyembro. Gamit ang online chat at video calls, makakapag bigay sila ng payo at comfort sa mga kapwa estudyante. 

FASTCO Victoria E-Kumustahan for international Students
pre-COVID Activities Source: FASTCO Victoria
Hinihikayat ni Dennis ang iba pang international students na sumali sa kanilang grupo at mag-antabay ng iba pang tulong na maari nilang ihatid. 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Paano naapektuhan ng lockdown ang mga Filipino international students sa Victoria? | SBS Filipino