Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp, tampok ang kwento ng 40-anyos na guro sa Pilipinas na nakipagsapalaran bilang international student sa Australia para matupad ang pangarap.
Key Points
- Pitong taon public school teacher sa Pilipinas si Anelie Grace Libalib bago nag-apply bilang international student sa Australia.
- Nakakuha si Anelie ng scholarship mula sa Destination Australia sa kanyang kursong Diploma in Early Childhood Education.
- Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, ilang mga guro sa Pilipinas ang nangingibang bansa dahil umano sa mababang sahod.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Share




