Commercial, public, community: Alamin ang mga uri at sistema ng media sa Australia

Male TV reporter

A male television reporter holding a microphone, is standing outdoors in front of a building. A male camera operator is filming him. Selective focus. Credit: bluecinema/Getty Images

Sa Australia, may dalawang network na pinopondohan ng buwis ng mamamayan—ang ABC at SBS—na ang layunin ay maglingkod para sa interes ng publiko. Bukod dito, mayroon ding iba't ibang komersyal at community media outlets sa bansa.


Key Points
  • Taxpayers fund the ABC and the SBS as a public service.
  • Ang Australian Broadcasting Corporation (ABC) at ang Special Broadcasting Service (SBS) ay ang dalawang publicly funded broadcaster sa Australia.
  • Ang pondo ng ABC at SBS ay galing sa buwis na binabayaran ng mga mamamayan, bilang bahagi ng serbisyong pampubliko.
  • Iba ang public broadcasters sa state-controlled media dahil hindi sila direktang kontrolado ng gobyerno.
  • Bukod dito, may mga commercial at community media rin sa Australia na kumikita sa pamamagitan ng advertising o sponsorship.

May iba’t ibang uri ng media sa Australia — may pribadong media na pag-aari ng mga kumpanya, at may community media na sinusuportahan ng pamahalaan.

Dalawa sa pangunahing public service broadcasters ay ang ABC at SBS, na pinopondohan ng buwis ng mamamayan.
sbs and abc.jpg
The SBS and ABC logos. Credit: Credit: Getty/SPmmory
Mayroon ding community radio na pinapatakbo ng mga non-profit na organisasyon at libre para sa publiko.

Ang private mainstream media ay nakatuon sa kita at ratings, kaya mas sumusunod ito sa kagustuhan ng mga sponsor. Samantalang ang public media o public broadcasters ay mas accountable sa taong bayan na siyang nagpopondo nito.

Ang SBS ay multicultural at multilingual national public broadcaster ng Australia. May mga palabas ito mula sa iba't ibang bansa at balita sa Ingles at maraming wika.

Layunin ng SBS na bigyan ng access sa impormasyon at aliwan ang mga taong galing sa mga bansang hindi Ingles ang pangunahing wika.

Bahagi rin ng SBS ang NITV o National Indigenous Television, na nagpapakita ng mga palabas mula sa pananaw ng mga First Nations.

Si David Hua ang Direktor ng SBS Audio Language Content. Siya ang namamahala sa mga programang audio sa mahigit 60 wika.

Sabi niya, ang SBS ay natatanging itinatag para sa mga multikultural at multilingguwal na Australians.

"It is very much targeted to audiences in Australia who speak different languages, and their needs are very broad. The service is designed to help people understand as much as possible about Australia, the way in which things work including our government, our bureaucracy, our school system, our emergency systems and the like, so that people are off to the best possible start," ani David Hua.
sbs radio drums.jpg
Credit: SBS Media
Ang episode na ito ay orihinal na inilathala noong 2022 at na-update ngayong 2025

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

May tanong ka ba o may gustong topic na pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino 

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand