Mabo hanggang Ngayon: Ang patuloy na kwento ng native title ng mga First Nations sa Australia

Australia - Bungle Bungles - Eco Tourism

Tamba Banks of the Jaru tribe, whose family once lived in the Bungle Bungles, [known to her people as Billingjal], is one of the traditional owners of the Purnululu national park. Credit: Barry Lewis/Corbis via Getty Images

Kilala ang Australia sa mayaman at makulay na kultura ng mga First Nations. Pero ano nga ba ang native title at karapatan sa lupa? Alamin kung paano nagsimula sa Mabo case, ano ang layunin ng Native Title Act, at bakit mahalaga ito sa lahat ng Australians.


Key Points
  • Ang native title ay ang legal na pagkilala na ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander ay may patuloy na ugnayan sa lupa at tubig, batay sa kanilang tradisyonal na batas at kaugalian.
  • Pinapayagan ng native title ang mga komunidad ng First Nations na mapangalagaan ang kanilang kultura.
  • Karamihan sa mga tao, lalo na yaong nakatira sa lungsod at sa kanilang sariling mga tahanan, ay hindi direktang naaapektuhan ng native title, pero ang pag-unawa dito ay makatutulong sa pakikilahok sa usapin tungkol dito.
BABALA: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga larawan at pangalan ng mga taong pumanaw na.
Ang native title, karapatan sa lupa, at kasunduan (treaty) ay tatlong magkaibang paraan na ginagamit upang palakasin ang kultura at panatilihing konektado ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander sa kanilang lupa. Maaari mong alamin pa ang tungkol sa karapatan sa lupa at kasunduan sa aming mga nakaraang episode.

Itong episode ay nakatuon sa native title—kung ano ito, ang kasaysayan nito, kung paano ito naiiba sa karapatan sa lupa, at kung ano ang kahulugan nito sa kasalukuyan.

Paano nagsimula ang native title?

Mahigit 200 taon, idineklara ang Australia bilang terra nullius o ‘walang-ariang lupa’, na hindi kinikilala ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander na nanirahan dito bago dumating ang mga puting mananakop.

Nagbago ito dahil sa isang makasaysayang kaso – ang Mabo Case. Noong 1982, isang grupo ng mga Meriam na pinangunahan ni Eddie Koiki Mabo ang isang legal na laban para kilalanin ang kanilang tradisyonal na pagmamay-ari sa Murray Islands sa Torres Strait, sa hilagang dulo ng Queensland.

Nagsimula ang kaso at tumagal ng halos isang dekada. Noong 1992, naglabas ang Korte Suprema ng Australia ng landmark na desisyon na kinikilala ang native title ng mga Meriam sa kanilang lupa, at pinawalang-bisa ang matagal nang paniniwala sa terra nullius.

Kasunod nito, naipasa ang Native Title Act noong 1993. Noong 15 Nobyembre 1993, tinalakay ni Punong Ministro Paul Keating sa bansa ang tugon ng Gobyerno ng Australia sa desisyon ng Korte Suprema sa Mabo Case.

“The Court's decision was unquestionably just. It rejected a lie and acknowledged a truth. The lie was terra nullius – the convenient fiction that Australia had been a land of no one. The truth was native title – the fact that the land had once belonged to Aboriginal and Torres Strait Islander Australians and that in some places a legal right to it had survived the 200 years of European settlement.”

Ano ang ibig sabihin ng native title?

Ang native title ay pagkilala na ang ilang komunidad ng Unang Bansa ay may patuloy na karapatan sa kanilang lupa at tubig, batay sa kanilang tradisyonal na batas at kaugalian. Ang mga karapatang ito ay hindi ibinibigay ng gobyerno o nalilikha sa pamamagitan ng negosasyon — kinikilala ang mga ito ng mga korte sa Australia.

Madalas ilarawan ang native title bilang isang ‘bundle of rights’ o hanay ng mga karapatan, dahil ito ay binubuo ng iba't ibang karapatan, hindi iisa lamang. Kabilang dito ang paggamit ng lupa at tubig para sa pangangaso, pangingisda, mga seremonya, at pangangalaga sa mahahalagang cultural places.

Kinikilala nito ang collective o communal rights na nagmumula sa long-held cultural at espiritwal na pamumuhay, sa halip na karapatan sa commercial ownership.

Gayunpaman, ang native title ay hindi pumapalit sa iba pang paggamit ng lupa, tulad ng pagsasaka, pagmimina, o gawain ng lokal na pamahalaan. Sa maraming lugar, sabay itong umiiral kasama ng native title, kaya madalas na pinaghahati-hatian ng mga Unang Bansa ang karapatan sa lupa kasama ng mga magsasaka, minero, o konseho.

Para sa mga komunidad ng Aboriginal at Torres Strait Islander, ang native title ay higit pa sa lupa—ito ay tungkol sa kanilang pagkakakilanlan, kultura, at pakikipag-ugnayan sa kanilang pinagmulan.

Ito ang ipinaliwanag ni Professor Peter Yu, isang Yawuru leader at academic.

“What native title does is provide you with the opportunity to reframe the nature of fundamental rules that govern your community and relationship. So basically, that’s in terms of my own community. What it does do, also provides a reinvigorated foundation for learning and relearning languages, and song and dance, and cultural knowledge so that were able to continue the path of building succession capabilities in our family and in in our tribal groups.”
GettyImages-830426724.jpg
Australian Prime Minister Paul Keating (1993).

Bakit komplikado ang native title?

Hindi madaling makamit ang pagkilala.

Upang maitatag ang native title, kailangang maipakita ng mga komunidad ang patuloy nilang ugnayan sa lupa — kadalasan sa pamamagitan ng mga oral history, kwento, at reords na ipinasa sa bawat henerasyon.

Komplikado ang proseso sa batas, at hindi laging tugma ang tradisyunal na batas at kaugalian o custom sa Western legal frameworks.

Paliwanag ni Gwynette Govardhan, isang abogado na dalubhasa sa native title at heritage laws, tungkol sa mga hamon na ito.

“You're trying to fit a traditional culture into a framework, we're just trying to stuff it in and try to make it work, when really there are inherently challenges in that which creates problems, because the system itself that we're trying to fit into has not been created, the framework has not been designed for that.”
Gwynette Govardhan.png
Yinhawangka Law Men Marlon Cooke (left) and David Cox ('Barndu') (right) with Gwynette Govardhan on Yinhawangka Country during a field trip to collect evidence (stories and land markings) of cultural heritage.

Gaano kalaki ang sako ng native title sa Australia?

Sa kabila nito, nagdulot ang native title ng tunay at pangmatagalang pagbabago.

Nakatulong ito sa mga komunidad na buhayin muli ang kanilang wika, ibalik ang tradisyonal na paraan ng pangangalaga sa lupa at tubig, at magkaroon ng mas aktibong papel sa mga desisyon tungkol sa kanilang Country.

Mula nang ipatupad ang Native Title Act, sakop na ng native title ang halos 40 porsyento ng Australia, karamihan sa mga malalayong lugar at rehiyon, kung saan nananatili ang tradisyonal na ugnayan sa Country.

Ngunit mahalagang tandaan na iba ito sa pagmamay-ari ng lupa.

Kung nakatira ka sa lungsod o sa isang regional area, tulad ng maraming migrante, malamang ay hindi nito direktang mababago ang iyong pang-araw-araw na buhay — pero ang pag-unawa dito ay hakbang tungo sa respeto at pagkakabigkis.

Paliwanag ni Gwynette Govardhan tungkol dito:

“I think it's really important to know, this is very generally speaking but something like native title rights and interests are really not going to affect people on a personal level...”
Gwynette Govardhan.jpg
Yinhawangka Country in the Pilbara region taken by Gwynette Govardhan during an on Country field trip.

Bakit mahalaga ang native title para sa lahat ng Australians?

Tulad ng sinabi ng dating Prime Minister Paul Keating sa kanyang pagninilay tungkol sa desisyon sa Mabo Case, ang pagdala ng native title sa sistema ng pamamahala ng lupa sa Australia ay hindi lamang tungkol sa katarungan para sa mga First Nations people, kundi isang hakbang pasulong para sa lahat ng Australians.

“We can move on to see Mabo as a tremendous opportunity it is. An opportunity to right an historic wrong. An opportunity to transcend the history of dispossession. An opportunity to restore the age-old link between Aboriginal land and culture. An opportunity to heal a source of bitterness. An opportunity to recognise Aboriginal culture as a defining element of our nationhood and to make clear that this Australia – this modern, free and tolerant Australia – can be a secure and bountiful place for all - including the first Australians.”
Patuloy ang mga talakayan tungkol sa karapatan sa lupa, kasunduan, at native title sa buong Australia. Iba-iba ang legal at politikal na proseso ng tatlong ito, ngunit pareho ang layunin: kilalanin ang ugnayan ng mga First Nation's people sa kanilang Country at suportahan ang kanilang sariling pagpapasya.

“We need to have our land, our culture, our language, and our community. We're not opposed to development, but we need to have this as the foundation,” pahayag ni Professor Yu.

Ang native title ay isang bahagi ng patuloy na kwento ng Australia ng pagkilala — at ng pagpapanatili ng ugnayan ng pinakamatandang buhay na kultura sa mundo sa kanilang mga lupa at tubig.
Audio ng talumpati ni Punong Ministro Paul Keating noong 1993, sa kagandahang-loob ng National Archives of Australia (NAA).

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.   

May mga tanong ka ba o paksang nais pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au 

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand