Key Points
- Binanggit umano ni Prime Minister Ibrahim ang multi-lateral approach sa iringan dahil sa pagiging malawak at sensitibo ng usapin.
- Tiniyak ni Malaysian Prime Minister Ibrahim, na susuportahan nila ang pag-unlad ng Pilipinas sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, edukasyon, agrikultura, kalusugan, turismo at kultura.
- Pinuri ni Pangulong Marcos si Prime Minister Ibrahim sa tulong ng Malaysia sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Sa ibang balita, Iiniulat ng Camalig, Albay local government na naibaba na mula sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay, ang mga labi ng apat na sakay ng bumagsak na cessna plane sa lugar. Kabilang sa mga sakay ang dalawang Australian nationals na consultant ng isang energy company.
Lumabas sa isang pag-aaral na hindi lamang trabaho o stable jobs ang hinahanap ngayon ng mga Pilipino. Naghahanap na rin sila ng work-life balance bilang bahagi ng kanilang kabuuang kalusugan
Ito ang naging resulta sa pag-aaral ng Jobstreet na pinamagatang “What job seekers wish employers knew: Unlocking the future of recruitment,” na karamihan sa mga naghahanap ng trabaho ngayon, katumbas ng 73 percent ng survey ang nagsabing gusto nila ng stable job na may work-life balance.