Tatlong araw nalang bago ang pinakahihintay na World Cup at magsisidatingan na sa Qatar ang mga fans ng Socceroos para sa inaabangang tournament.
Key Points
- Magbubukas ang mga laro ng FIFA World Cup sa Doha Qatar sa Nobyembre 21.
- Labag sa batas ng Qatar ang pag-inom o pagiging lasing sa mga pampublikong lugar pero pinayagan ang limitadong pag-inom sa panahon ng torneo.
- FIFA ang mamamahala ng palaro pero mga awtoridad ng Qatar ang in-charge sa seguridad.
Hinihiling sa mga manonod na igalang ang mga lokal na kaugalian at kultura. Pero ipinahayag ng isang executive ng FIFA sa SBS News, na sinuman na gustong suportahan ang karapatan ng mga gay sa pamamagitan ng pagwawagayway ng rainbow flag sa Qatar ay maaaring gawin ito.

Share




