Highlights
- Panalangin at pananampalataya ang nagbubuklod sa myembro ng isang organisasyon sa Sydney
- Ang bagong simbahan ay hindi lang lugar sambahan para sa mga migranteng Pilipino
- Naging kanlungan din ang simbahan sa mga nangangailangang kababayan
Mula sa bansang Taiwan, Japan hanggang taong 2006 sumampa dito sa Australia ang 66 anyos na presbyter na si Olivia Liamzon, siya ng nangangasiwa ngayon ng malaking simbahan na tinatawag na Pentecostal Missionary Church of Christ dito sa Sydney.
Dahil nasa puso ang pagmimisyon at pagbabahagi ang bibliya, sinuyod niya ang maraming lugar dito sa Australia para lang maibahagi ang salita ng Diyos. Hanggang sa nakilala niya una ang isang Pinay na may mabigat na problema sa pamilya.
Hanggang sa nalutas ang problema at nabalik ang bumagsak na negosyo nito. Ang pagtatagpo palang ito ay ang magbubukas ng maraming oportunidad para mapalago ang kanyang misyon.

Pagdiriwang ng Mother's day sa PMCC sa Sydney Source: Presbyter Olivia Liamzon
“After 3 days tumawag si Pastor, sabi niya, ang business ko naibalik at binigyan ako ng pagkakataon, may bahay ako, ikaw ang titira dun kasi ikaw ang tumulong sa akin,” dagdag ni Liamzon.
Taon ang binilang , dumami ang kanyang mga miyembro at nakabili na din sila ng malaking lugar na pagpapatayuan ng simbahan. Aniya, biyaya ng Diyos, nakabili sila ng bagong lugar at pinatayuan ang building na nagkakahalaga ang apat na milyong dolyar na matatagpuan sa Cabramatta.
Ang malaking simbahan ngayon ay ginagawang lugar di lang para sa pagsamba. Naging kanlungan din ito ng mga walang matitirhan lalong lalo na sa ating mga kababayan.

Pamimigay sa mga nangangailangan Source: Presbyter Olivia Liamzon
Tinutulungan din nila ang may problema sa visa at mga kaso ng domestic violence. Nakasalalay sa gawain ang buhay ang tao. Nagpapasalamat naman si Jhudy Zata dahil binigyan sila ng pastor na talagang may pagmamahal sa gawain ng Diyos at may malasakit sa kapwa.
"Hindi siya nagkulang sa pag-aalaga at pagtuturo sa amin, " kwento ni Jhudy.
Sa ngayon merong ng kulang kulang isang libong myembro ang simbahan sa buong Australia. Pinapangasiwaan na din ni presbyter Liamzon ang mga simbahan sa New Zealand , Fiji at Papua New Gunea. Wala mang masasabing sariling pamilya si Presbyter Liamzon, ngayong inaalay na niya ang kanyang buong buhay sa misyon. Malaking kaligayahan na umanong makita nya marami syang natutulungan.

Source: Presbyter Olivia Liamzon