Key Points
- Ang DeLa Salle University at James Cook University ay magkakaroon ng staff at student exchange na magsasanay sa sektor ng IT.
- Ang DysrupIT ay isa sa mga Australian na kompaniya lumagda ng MOU at LOI sa Pilpinas noong nakaraang ASEAN Summit sa Melbourne.
- Magkakaroon ng oportunidad na magsanay ang mga Pilipino sa sektor ng IT upang maging dalubahsa sa Australian framework na ipatutupad sa Pilipinas pagdating sa cybersecurity.
Ang DysrupIT ay isang Australian na kompaniya naka base sa Pilipinas, ito ay pinamumunuan ng Pilipina Australian na si Elizabeth Hermosura. Ang kanilang mga staff ay mga Pilipino naka base sa Pilipinas.
'Cyber resilience, ang resilience ay pagkakaroon ng mga tao may kaalaman, kasanayan at kakayahan na maharap ang mga tinatawag na emerging threats. Noong nakaraang dalawang dekada, itoa ng anti-virus, ngayon mayroong ransomware. Sa global scale ito ang cyber warfare. Resilience means protecting the infrastructure, applications you from all that threat but you also need the right people who know how to handle the situation, people with the right skill . You can't have one without other, that's being resilient.' Elizabeth Hermosura, founder & CEO, DysrupIT