Key Points
- Ayon kay Prof. John Howe mula sa Law School ng Melbourne University, kabilang ang mga kabataang migranteng manggagawa sa mga pinaka-vulnerable sa pang-aabuso sa trabaho.
- Sa isang survey na isinagawa sa mahigit 2,800 manggagawa na wala pang 30 taong gulang, natuklasan sa pag-aaral na 36 porsiyento sa kanila ay hindi pinayagang magpahinga kahit na may karapatan sila rito, habang 34 porsiyento naman ay hindi nabayaran para sa trial shift na kanilang ginawa.
- Sa isang pahayag para sa SBS, sinabi ng tagapagsalita ng Fair Work Ombudsman na aktibo nilang sinusuri kung tama ang ginagawa ng mga employer, at inuuna ang edukasyon at tulong para sa mga kabataang manggagawa.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.