Key Points
- Sa kanyang intervention sa 27th ASEAN-China Summit sa Lao People’s Democratic Republic na dinaluhan ni Chinese Premier Li Qiang, inihayag ng Pangulo na patuloy na puntirya ng mga pangha-harass at pananakot ng China ang Pilipinas.
- Iginiit ng Pangulong Marcos na kailangan nang madaliin ang negosasyon para sa code of conduct, dahil hanggang sa ngayon aniya, hindi pa rin nasusunod ang konsepto ng “self-restraint.”
- Sabi ng Pangulo, dapat maging bukas ang lahat ng partido na resolbahin ang pagkakaiba-iba upang mapahupa ang tensyon.
Sa ibang balita, tuwang tuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubukas ng kauna-unahang pagawaan ng lithium iron phosphate batteries sa lalawigan ng Tarlac sa pakikipag-partner sa isang malaking pribadong kumpanya sa Australia.
Itinayo ay ang seven billion peso STB Giga Factory sa Tarlac. Kabilang ito sa pledges na natanggap ng Pilipinas sa isinagawang Philippine Business Forum sa Australia nuong Marso.
Pinondohan ito ng STB Capital Partners na naka-base sa Brisbane, Australia.