'Para sa mga naiwang pamilya at malasakit sa bansa': Nakikilahok ang mga Pilipino sa Australia sa 2025 halalan sa Pilipinas

Filipino overseas voters in Sydney have casted their votes

These Filipino overseas voters in Sydney have cast their votes for the Philippine Midterm Elections. Credit: Rod Dingle/Philippine Consulate General in Sydney

"Karapatan at responsibilidad namin na pumili kung sino ang dapat mamuno sa Pilipinas, para sa pamilyang aming naiwanan at bawat mamamayang maaapektuhan," ang sentimyento ng maraming Filipino overseas voters sa Australia kaya't masigasig silang makilahok sa pagboto sa midterm election sa Pilipinas.


Key Points
  • Sa Mayo 12 magaganal ang Midterm Elections sa Pilipinas. Para sa mga Pinoy abroad, kabilang ang mga nasa Australia, na nakarehistrong botante, maaaring makaboto online sa unang pagkakataon.
  • Ayon sa Philippine Embassy sa Australia,sa tala noong Disyembre, higit 19,000 na Pilipino sa Australia, Nauru, Vanuatu, at New Caledonia ang nagparehistro para bumoto sa 2025 halalan.
  • Track record at integridad ng kandidato pati mga kaalyado ng mga ito ilan sa konsiderasyon ng mga botanteng Pinoy sa Australia sa pagpili ng kanilang iboboto.

Para sa mga Pilipino sa ibayong dagat tulad sa Australia, kailangan lamang nilang bumoto para sa 12 senador at isang partylist sa midterm election ngayong taon.

"I feel great that I have exercised my right to vote and choose the people I thought should be running the Senate or be in the Senate of the Philippines,' lahad ng taga-Western Sydney at community leader na si Rod Dingle.

Si Dingle, na 45 taon nang naninirahan sa Australia, ay ikinumpara ang kanyang karanasan bilang isang 15-anyos na botante na lumahok para pagbotohan ang 1973 Philippine martial law referendum

"I was in high school then, and it was the first time the former president Ferdinand Marcos Sr opened the elections for youngsters like me.'

"That was a time when you're shielded and under control, either you're for the government or against."

Bagaman iba na ngayon ang panahon aniya.

"It's very different now and in recent years, where I can freely choose who to vote for,."
Philippine Consulate General in Sydney conducted a consular mission and an information dissemination campaign on the 2025 Philippine National Election overseas and field voting for Filipinos in Tamworth, New South Wales, on 03 May 2025.
Philippine Consulate General in Sydney conducted an information dissemination campaign on the 2025 Philippine National Election overseas and field voting for Filipinos in Tamworth, New South Wales, on 03 May 2025. Credit: Philippine Consulate General in Sydney

Ibinahagi ng temporary resident at estudyante ng Doctor of Philosophy na si Esminio Rivera na kanyang sinaliksik ang track record ng bawat kandidato at kanilang mga kaalyado bago siya namili kung sino ang kanyang iboboto.

"I looked into what laws have been passed, sponsored or authored by the particular Senatorial candidate, and what do they stand for?" anang residente ng Perth, Western Australia.

Tutol sa mga political dynasty, ibinahagi ni Rivera na hindi makakakuha ng kanyang boto ang sinumang may kriminal na rekord na nagmula sa pamilya ng mga pulitiko.
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcast, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand