Mga magulang hinihikayat na pabakunahan ang mga anak edad 5-11 sa pagbabalik eskwela

TGA approved covid-19 vaccine for kids ages 5 to 11

TGA approved covid-19 vaccine for kids ages 5 to 11 Source: Getty Images/Yuganov Konstantin

Balik-eskwela na sa ilang estado ang mga kabataan at kamakailan ay ini-rekomenda ng pamahalaan ang bakuna kontra COVID ng mga kabataang may edad lima hanggang labing isang taong gulang. Ngunit may pag-aalangan pa rin ang ilang magulang sa bakuna kontra COVID.


Ayon sa survey ng Melbourne institute, 26% ng mga magulang ang nag-aalangan na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa mga health risk na maaring maidulot ng bakuna sa kanilang mga anak.

Sa gitna ng mga pangambang ito, hikayat ni Dr Earl Pantillano, isang practicing GP sa Harbour Town medical centre at affiliate ng Gold Coast university hospital vaccine hub and fever clinic, mahalaga na mabakunahan ang mga bata dahil carrier sila ng virus at posible itong kumalat at makahawa.

Aniya, prayoridad din dapat mabakunahan ang mga kabataang may mga comorbidities o mga kondisyon sa kalusugan.


Highlights 

  • Ayon sa survey ng Melbourne institute, 26% ng mga magulang ang nag-aalangan na pabakunahan ang kanilang mga anak.
  • Mahalaga na mabakunahan ang mga bata lalo na ang mga may comorbidities o mga kondisyon sa kalusugan.

  • Carrier ang mga bata ng virus kaya mahalaga na sila ay mabakunahan laban sa COVID-19.

Makinig sa podcast



Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan. 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga magulang hinihikayat na pabakunahan ang mga anak edad 5-11 sa pagbabalik eskwela | SBS Filipino