Alam ng Pilipina na si Terry Recto Kane kung paano mabuhay sa hirap, naranasn niya kung paano mabuhay ng limitado lamang ang mapagkukunan ng para sa pang araw-araw. Sa gitna ng kanyang komportableng buhay sa Australya kasama ang kanyang mag-anak, naglalaan siya ng isang gabi bawat linggo upang tumulong sa mga kapos palad.
Maliban sa kanyang kawang gawa sa Pilipinas, siang gabi bawat linggo tumutulong si Terry sa St Vincent de Paul’s Soup van, naghahatid ng pagkain sa mga taong naghihirap kung di man walang wala, ‘kami ay nabiyayaan ng husto, kaya nasi ko din ibahagi ang mga biyayang natanggap sa ibang mga Australyano’ ani Terry.
Share





