Highlights
- Mahigit 300,000 ang Australyanong ipinanganak sa Pilipinas at inaasahan pa na patuloy na tataas ang bilang na ito.
- Iba't ibang komunidad sa mga estado at teritoryo ng bansa ang nagsagawa ng aktibidad para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.
Sa ginanap na Flag Raising ceremony sa Melbourne, inawit ng The Filipino Choir of St. Francis Inc. o Kiko Choir ang Lupang Hinirang at Ako ay Pilipino.
At gaya ng liriko ng kanta, ang mga kababayan nating Pinoy sa Australia, taas noo kahit kanino sa pagiging Filipino.

The Filipino Choir of St. Francis, Inc. or Kiko Choir Source: SBS Filipino

Beng De Leon Source: SBS Filipino
"Eventhough wala na tayo sa Pilipinas you know ang dugong nanalaytay sa ating mga ugat ay dugong kayumanggi pa din. Never mind kung wala na tayo sa Pilipinas pero kailangan pa natin ipagdiwang ang Araw ng Kasarinlan sapagkat simbolo ito ng ating kalayaan, simbolo ito na hindi na tayo nasasakop ng mga banyaga, simbolo ito ng empowerment na sinasabi nga nila. Tayong mga Pilipino ay very empowered community and very empowered people lalo na dito sa Australia"

Walter Villagonzalo Source: SBS Filipino
"Especially na alam natin ang sitwasyon sa ilang countries na walang freedom na meron tayo, yun ay dahil sa sakrispisyo ng ating mga ninuno katulad ng mga wars na dinadaanan gaya nina Dr. Rizal, Bonifacio, Lapu lapu. Yung desire na yun na magkaroon ng independence. Ngayon meron na tayo ngayon, tayong nandito na kailangan natin isipin kung paano ipreserve and while we have, we need to celebrate it.

Marjorie Rose Source: SBS Filipino
"Celebrating Independence Day is very important especially sa Australia, of course being born here in Australia you don't really get to understand or get to be educated on the Philippine culture unless you be educated from your parents diba so for me coming to Independence day today makes me proud to be a Filipino."

Marlon De Leon Source: SBS Filipino
"Noong nandito tayo sa Australia, lalo natin naappreciate kung ano ang kahulugan ng pagiging malaya at mamuhay sa bansang may demokrasya gayundin naman ang Pilipinas at noong nandito tayo sa Australia na-realise natin na napakahalaga ng sariling kalayaan at kasarinlan sa Pilipinas kaya nga bakit noong nandito tayo sa Australia ay may mga gala night at mga nakapaimportaneng pagtitipon dahil ang mga Filipino ay pinapahalagahan nila na tayo ay naging isang malayang bansa."

Melvin Mata Source: SBS Filipino
"Nasa free country tayo sasabihin natin we’re very fortunate kasi we have freedom, pag nakikita mo sa ibang countries na hindi natatamasa yung ganitong kalayaan na you can express whatever you want, you can be whatever you are. Ultimate pride ng Pilipino is we fought for our independence, we are chersihing our independence and we know how to sustain our independence. "

Lt. Johnson Lamug, Philippine Navy Source: SBS Filipino
"Sa part namin na mga sundalo, kami po yung nagtataguyod ng proteksyon ng kalayaan ng ating bansa so very significant ito sa part naming mga sundalo na ipagdiwang ito at bilang isang mamayang Pilipino, remembering Independence is our pledge to remain loyal in our country and not just our country but our nation as a Filipino people. "