HIGHLIGHTS
- Maaring makapag-charter ng eroplano pabalik sa Pilipinas ang DFA kung may minimum ng 150 katao ang nais umuwi
- Ang gastos ng airfare ay sagot ng pamahalaang Pilipinas
- Ang slot ay first come first serve basis
Idinetalye ni Deputy Consul General Anthony Achilles Mandap sa SBS Filipino ang plano ng kanyang opisina na magsagawa ng repatriation flight para sa mga stranded na Pinoy sa Victoria.
Aniya, maraming mga Pinoy na stranded sa estado ng Victoria ang humihingi ng kanilang tulong na makauwi sa Pilipinas.
"Meron tayong plano kasi we have been receiving a lot of request. We have many people requesting for this kind of assistance."
Kung ikaw ay stranded sa estado ng Victoria at nais makauwi ng Pilipinas, makipag-ugnay sa Philippine Consulate General sa Melbourne.