Highlights
- Bumagsak sa pinakamababa ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2020
- Mas maraming probinsya ang isasailalim sa mag mahigpit na lockdown sa Pebrero
- Tiniyak ng US na mananatili ang suporta sa bansa sa gitna ng umiiral na sigalot sa West Philippine Sea
Malaki ang ibinagsak ng ekonomiya ng Pilipinas nuong 2020 nang maranasan ang pandemya dulot ng covid-19
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA, lumagpak sa negative 9.5 percent ang Gross Domestic Product o GDP nuong nakaraang taon
Ito na raw ang pinakamababang gdp na nakamit ng bansa mula nang matapos ang World War II.
Malayong-malayo ito sa six percent GDP growth nuong 2019 ayon kay Philippine Statistics Authority Undersecretary Dennis Mapa
Sa pagtaya ng Gobyerno, pumalo sa 1.4 trillion pesos ang nawalang kita sa mga Pilipino dahil sa mga ipinatupad na lockdown
Paliwanag ni National Economic and Development Authority Secretary Karl Kendrick Chua, bumagsak ang household spending at nasa milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho at kabuhayan
Pero kumpiyansa pa rin ang mga economic managers ng pamahalaan na makababangon ang ekonomiya bago matapos ang taon para makamit ang 6.5 hanggang 7.5 percent na target GDP growth rate.
Sinabi ni Chua na mahalagang hanapin ang tamang balanse para mapanatili ang kalusugan at umusad ang ekonomiya.
Community Quarantine sa mga probinsya, mas hihigpitan
Sinabi ng Malacanang na inaasahang hihigpitan ang community quarantine sa ilang lugar sa bansa mula sa pinaluwag na restrictions simula sa Pebrero
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pangunahing dahilan nito ay ang pagtaas ng mga kaso ng COVID 19 at ang pagsulpot ng bagong UK COVID variant sa bansa.
US, suportado ang Pilipinas sa pagprotekta ng teritoryo sa WPS
Tiniyak ng Amerika ang suporta nito sa Pilipinas, partikular ang pagbibigay proteksyon sa anumang armadong pag-atake sa mga teritoryo nito sa West Philippine Sea
Ito ay sa gitna ng mga paggalaw at pagtatayo ng China ng mga istraktura sa mga pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon
Patuloy na kikilalanin ng Amerika ang karapatan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya sa mga teritoryo sa South China Sea
Hindi umano kinikilala ng Amerika ang pag-aangkin ng China sa buong teritoryo ng South China Sea