Pinag-hihinalaang bandido tinambangan ang isang konboy ng militar, napatay ang isang sundalo, sa Balindong, Lanao de Sur; Hukbong Sandatahan ng Pilipinas naglagay ng mga karagdagang sundalo sa Datu Salibo, Maguindanao para mapa-igting ang pagbantay sa napaligirang lungga ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa lugar; Kapulisan sa Siyudad ng Davao nirekomenda sa Commission on Elections ang deklarasyon ng tatlo sa bulubunduking distrito ng Siyudad bilang watchlist area sa halalan; Pamahalaan at United Nations World Food Program tinalaga ang General Santos International Airport bilang base sa magka-isang programa ng pang-katauhan at tugon sa unos; at Pamahalaan nag-talaga ng halos P77 milyon para sa pagpaganda ng kalsada patungo sa pinaka-matandang moske ng bansa -- Sheikh Karim-Ul Makhdum - sa Tawi-Tawi.



