Naging punong-abala ang Australian Dragon Boat Federation (AUSDBF) sa pan- sampung taong kampeonato ng dragon boat competition araw na sinalian ng limang koponan na delegasyong Pilipino at ang mga ito ay ang Army Dragon Warriors, Rogue Pilipinas Paddlers Club, Philippine Coast Guard Dragon Boat Team, Triton Dragon Boat Racing Team at Adamson University; Ang bandilang Aborihinal ay hindi dapat ita-tatwa. Ito ay na-probahan noong ni-rebersa ng Campbelltown Council ang desisyon nito na ihinto ang pagwagayway ng bandilang aborihinal sa labas ng Chambers nito pagkatapos ng botohan noong Martes; Dalawang nobela na ang setting ay South Australia ang nasa kontensiyon sa pangunahing literary award na iginagawad sa pinakamagaling na nobela tungkol sa buhay sa Australia; Ang kompetisyong Olympic Trial ng paligsahan ng langoy sa Australia ay magsisimula ngayong Huwebes dito sa Adelaide Aquatic and Leisure Centre; Sa pagsusuri na isinagawa ng senado, ay napag-alaman na tatlong beses na mas malaking pagkalugi at gastos ang kahihinatnan ng pagsasara sa steelworks sa Whyalla kaysa pag-invest dito para sa kinabukasan.



